Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno, Yorme The Isko Domagoso Story

Isko narrator at ‘di produ ng Yorme musical

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FAKE news ang paniwala ng marami na si Manila Mayor Isko Moreno ang producer ng musical film na Yorme: The  Isko Domagoso Story na ipapalabas sa mga sinehan sa December 1. Ang Saranggola Media Productions ang producer na siyang gumawa ng 2019 Metro Manila Film Festival movie na Suarez: The Healing Priest. 

Paliwanag ni Joven Tan, direktor ng Yorme,  ang tanging partisipasyon ni Isko ay ang pagtitiwala sa Saranggola na gawing pelikula ang kanyang buhay at ang pagna-narrate niya sa pelikula. Ipinaubaya rin ni Isko sa producer kung aling institusyon ang magiging beneficiary ng ibabayad para sa kanyang story rights.  

“Kinausap namin siya ni Ms. Edith Fider (producer) na kung puwede ay gawan namin siya ng biopic kasi napaka-inspiring ng kanyang life story ‘di ba? And pumayag naman agad siya. ‘Yun nga lang mayroong kondisyon–dapat ‘yung mga totoong nangyari lang sa buhay niya ang ilalagay namin sa pelikula,” esplika ni Direk Joven.

“Habang binubuo namin ang ‘Yorme’ noon ay hindi namin alam na mahihikayat siyang tumakbo sa pagka-presidente. Wala kaming idea. Matagal ‘yung naging proseso namin bago mabuo itong project, two years din ‘yon, tapos nag-pandemic pa kaya hindi rin agad naipalabas.”

Samantala, bida sa Yorme sina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko), at Xian Lim (present generation Isko).

Mayroong 15 original songs ang pelikula na isinulat lahat ni Direk Joven na kilala ring award-winning songwriter. 

Kasama rin sa pelikula ang ilang dating miyembro ng That’s Entertainment na sina Tina Pander, Monching Gutierrez, Jestoni Alarcon, Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos, at Maricar de Mesa.

Si Janno Gibbs ang gaganap na German ‘Kuya Germs’ Moreno na producer at host noon ng youth oriented show na That’s Entertainment na naging daan para makilala si Isko sa showbiz.

Ang Yorme ay ipamamagi ng  Viva Films at mapapanood sa mga sinehan sa Dec. 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …