Thursday , June 4 2026
Lloyd Christopher Lao
Lloyd Christopher Lao

Sa dalawang address na ibinigay
LAO HINDI NAHAGILAP NG OSAA

BIGO ang team ng Office of the Sargent at Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Christo­pher Lao sa mga address na kanyang itinala.

Batay sa inilabas na impormasyon at larawan  at video ng Senate PRIB, lumalabas na walang Christopher Lao na nanu­nu­luyan sa mga address na kanyang ibinigay.

Sa kanyang Queen­s­land Manor Condominium, isang babae ang nakatira roon at umano’y kamag-anak ng asawa ni Lao.

Samantala, sa Le Jardin De Villa Abriless Subdivision sa Maa, Davao City na nakarehistrong pag-aari niya ay walang tao at bakante ang natu­rang bahay.

Ipinag-utos ng Senado ang agarang pag-aresto kay Lao, dahil na apat na beses nang hindi dumadalo sa pagdinig.

Hindi tulad ng mga cabinet member na hindi maipaaresto ng senado dahil sa kautusan ng Pangulo, malinawga na sinabi ni Senador Richard Gordon na hindi kasama sa kautusan ng Pangulo si Lao dahil hindi na siya bahagi ng Executive Department.

Sa kabila nito, patuloy ang pagsisikap ng mga tauhan ng OSAA na mahanap ang kinalalagyan ni Lao.

Si Lao ang lumagda sa lahat ng procurement approval ng pamahalaan sa Pharmaly Pharmaceutical Inc., na iniimbestigahan ng Senado dahil sa korupsiyon.

 (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …