Monday , July 22 2024

Baby, 4 kapatid ‘nalibing’ sa landslide

BINAWIAN ng buhay ang limang batang magka­kapatid kabilang ang bunsong sanggol, habang nakaligtas ang kanilang mga magulang, nang tamaan ng landslide ang kanilang bahay nitong Linggo ng umaga, 14 Nobyembre, sa Purok 2, Sitio Sawsaw, Brgy. Mandulog, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte.

Ayon sa kaptian ng Brgy. Mandulog na si Abungal Cauntungan, walong pamilya ang apektado ng pagguho ng lupa kabilang ang bahay ng mag-asawang Jessie at Shiela Mae Barulan.

Kinilala ang limang anak ng mag-asawa na natabunan ng lupa na sina Shemabel, pitong buwang gulang; Trishamae, 3 anyos; Xian, 4 anyos; Kent Warren, 6 anyos; at CJ, 8 anyos.

Idineklarang dead on arrival ang limang bata sa Adventist Medical Center at Gregorio T. Lluch Memorial Hospital (GTLMH), kung saan sila magkakahiwalay na isinugod.

Pinaniniwalaang ang ilang araw na pag-ulan sa bulubunduking lugar ang dahilan kung bakit gumu­ho ang lupa.

About hataw tabloid

Check Also

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Bongbong Marcos BBM with senators

Senators handa nang makinig sa 3rd ikatlong sona ni PBBM

HANDA ang mga senador na makinig sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni …

072224 Hataw Frontpage

Para sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at impraestruktura
BAGONG BATAS ITUTULAK NI PBBM SA SONA

UMAASA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hihirit ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng …

072224 Hataw Frontpage

POGOs ‘pag nilusaw 25,064 Pinoy workers dapat protektado

SINABI ni Senador Win Gatchalian dapat maglagay ng safety nets para sa mga manggagawang Filipino …