Saturday , November 16 2024
Gun Spikes Tactical Apopka FL USA

Chinese national, Pinoy arestado sa gun-running

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinoy sa pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril bukod pa sa nakuhang ilegal na droga sa Makati City nitong Sabado, 23 Oktubre.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Huang Sia, alyas Jason Lee, 30 anyos, isang Chinese national; at Raffy Ballera, alyas Ivan, 29 anyos.

Sa report ng SPD, nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng DSOU NPD at Pobla­cion Police Substation ng Makati City Police sa isang inaarki­lang parking area sa San Agustin St., Salcedo Village, Barangay Bel-Air, sa nasabing lungsod, dakong 4:10 pm nitong Sabado.

Nakabili ng baril ang police poseur buyer sa dalawang suspek na nagresulta ng kanilang agarang pagkakaaresto matapos tanggapin ang buy bust money.

Nakuhaan ang mga suspek ng apat na high powered firearms, may markang Spikes Tactical  Apopka FL USA  na nagkakahalaga ng P100,000; marked money; isang cigarette case na naglalaman ng isang gramong hinihi­nalaang cocaine, may street value na 5,000; at tatlong gramo ng pinasu­suspetsahang shabu, may halagang P20,400.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  laban sa dalawang suspek.

“Binabati ko ang matagumpay na ope­rayon ng pinagsanib na puwersa ng NPD DSOU at ng Makati Police. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang unit ng pulisya, dahil ang paghuli sa mga gumagawa ng ilegal ay mas lalong napaiigting,” ani Macaraeg.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …