Thursday , May 8 2025
Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Mga sikat na online personalities sa kanilang #BestTimeWithGlobe

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATLONG sikat na social media personalities, Dr. KilimanguruDJ Jhai Ho, at Kiray Celis ang nag-share kung paano sila natutulungan ng Globe at bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe.

Dr Kilimanguru, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe
DJ Jhai Ho, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe
Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Si Dr. Kilimanguru ay si Winston Tiwaquen sa tunay na buhay at  lisensyadong doktor.  Labis siyang kinagigiliwan ng mahigit sa 5 milyong followers niya sa TikTok at Facebook dahil sa mga simpleng payo at impormasyong pangkalusugan na hatid niya. 

“Best time with Globe is all the time! Very convenient ang Globe because I get to upload my educational videos. Most importantly, I get updates from my patients regarding their lab results, kaya nakakapag-advise ako agad kung ano ang next steps na gagawin nila,” pahayag niya.

Puno naman ng magagandang memories si DJ Jhai Ho sa mahigit 10 taon niyang pagiging customer ng Globe.

“Ayuda! May pa-Globe Rewards ako! Omygosh! Grabe mga besh! It’s been more than 10 years na pala since I’ve been with Globe! Since high school pa talaga! Proud Globe user here!” masayang sabi ni Ho.

Si Kiray naman ay halos lumaki nang kasama ang Globe, pero dahil sa mga magagandang serbisyo nito ay lalong naging makabuluhan ang kanyang relasyon dito.

“Globe ang may pinakamalakas na signal kahit saan ako magpunta sa Pilipinas. Laking tulong nito dahil mabilis kong ma-contact ang pamilya ko. Kamustahan man o emergency, perfect ang Globe signal. Isa sa mga improvement na nakita ko ay ang pagbilis ng mobile data na common na ginagamit ko sa pag-update sa aking social media. Ang feature na gusto ko ay ang Globe Rewards. Basta mapa-prepaid load or postpaid user, lahat may points na magagamit pang-redeem ng products and promos,” ani Kiray.

Maliban sa mga promo, mayroon ding perks at rewards ang Globe gaya ng device deals, plan discounts, at SIM samplers. Maaari ring mapakinabangan ng mga customer ang mga digital platforms gaya ng GCash at healthtech services na KonsultaMD at HealthNow. Pwede rin nilang ma-enjoy ang flexibility ng Globe Postpaid sa tulong ng bagong GPlan na punompuno ng mga mahahalagang benepisyo para sa mga customers.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goal No. 9 tungkol sa kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago tungo sa pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

Lance Raymundo

Lance Raymundo balik-TV

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BALIK telebisyon ang aktor/singer na si Lance Raymundo matapos ang sunod-sunod na hosting …