Tuesday , May 7 2024
Candy Pangilinan, Kim Molina, Jerald Napoles

Chemistry nina Kim, Jerald, at Candy subok na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CLICK ang chemistry nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan kaya naman nasundan pa ang unang pinagsamahang pelikula nilang tatlona Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Ngayon muli silang mapapanood sa bagong handog ng Viva Films, ang Sa Haba ng Gabi, isang horror-comedy film na mapapanood sa October 29 sa VivaMax na idinirehe ni Miko Livelo.

Mula sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam nagkaroon ng limpak-limpak na supporters ang tatlo na nakita agad sa trailer nito.

Ayon kay Jerald, ”Sa mismong trailer kasi ng ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ may following na kung ano ang gagawin naming tatlong magkakasama at riot kasi automatic.”

Sinabi pa ni Jerald na hindi mahirap ang magkatrabaho sila bukod sa magkarelasyon sila ni Kim, kaibigan din nila si Candy. ”Regarding sa working naming tatlo, matagal na kasi kaming magkakaibigan at saka theater actors po kasi kami kaya ‘yung eksena sa ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ na viral improvisation kasi alam na po namin kung ano ang kayang ibigay ng bawa’t isa.”

Kaya kahit ang kanilang director ay tiwalang ipinaubaya ang ilang bagay na gagawin nila sa ilang eksena.

“Noong ibigay ang project na ito at sinabing kaming tatlo ang magkakasama automatic ready kami at lalo na si direk Miko sabi niya, ‘o sige mag-input (na) kayo.’ May ganoon na kaagad. Siguro maraming eksena rito na nag-improve kami,” sambit pa ni Jerald.

“Natutulog na nga lang ako sa set hinayaan ko na sila. Gigising na ako, ‘o tapos na, na-shoot na natin?’” pabirong sambit naman ni direk Miko.

Sinabi naman ni Candy na, ”I think nakatulong ‘yung ‘Babaeng Walang Pakiramdam’ kasi we are really friends tapos the input pa from the director, talagang baliw si direk Miko. Kung may chance o sobrang tent kami noon, gusto namin siyang pa-check up.”

At dahil sa sobrang kompiyansa ng kanilang director, nakapagbiro pa si Candy ng, ”bakit ganito ang direktor natin, nakakatakot?

“But it was really a fun. Fun to us masaya lang talaga. Tapos ang weird lang ng oras namin kasi ang health protocols is only 12 hours, so, we start shooting at 5:00 p.m. hanggang 5:00 ng madaling araw. Gabi lang kami nagsu-shoot. Baligtad ‘yung oras namin kaya pagdating ng gabi gising na gising na kami, masaya kasi magkakaibigan,” pahayag pa ni Candy.

At kung sa mga nagdaang pelikula ng KimJe (Ang Babaeng Walang PakiramdamJowableIkaw At Ako Ang Ending) na sila ang magkapareha, sa Sa Haba ng Gabi sina Candy at Jerald ang may love affair.

“Kami po ni Jerald ang may love affair dito, hindi po sila ni Kim,” ani Candy sabay sabi pa na, ”Pumayag po si Kim kasi ako po ito.”

“Sabi ni direk Miko, ‘Kim paghiwalayin ko kayo ha para sa movie lang. Si Ate (Candy) mo naman, ha, haha. Sorry ate (sumingit),” ani Kim.

“Si Jerald ‘yung ka-love affair ko, siya ‘yung long time boyfriend ko na sobra ‘yung pagmamahal at pagnanasa ko sa kanya,” kuwento naman ni Candy.

Tatalakayin sa Sa Haba ng Gabi ang katapusan ng mundo sa pamamagitan ng Zombie Apocalypse. Ipinrodyus ito ng Master ng Horror na si Erik Matti atidinirehe ni Livelo. Si Livelo ay nagsimula bilang isang motion graphics artist, at ginawa niya ang unang pelikulang  Blue Bustamante noong 2013. Nakakuha siya ng international recognition nang mag-premiere ito sa Osaka Asian Film Festival noong 2014. Noong 2019, ginawa niya ang friendship-comedy film na ’Tol at ang fantasy-comedy adventure film na Unlilife.

Tiyak na mahahawa kayo sa katatawa sa panonood ng Sa Haba Ng Gabi mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa October 29 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.      

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Leandro Baldemor Rosanna Roces Priscilla Almeda

Leandro iniukit si Osang na mala-Si Malakas at Si Maganda

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAALIW kami sa kuwento ni Leandro Baldemor ukol sa insidenteng ‘pinaglaruan’ siya …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

CJ Navato Nicole Omillo

CJ Navato at Nicole Omillo ilang beses naghalikan sa isang musical play

MATABILni John Fontanilla HINDI lang pala mahusay umarte kundi napakahusay ding kumanta ng Goin’ Bulilit alumni at …