Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo naghain na ng COC para Kongresista ng District 1 ng QC; Sylvia suportado ang anak

ni Maricris Valdez-Nicasio

NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang aktor na si Arjo Atayde para sa pagtakbong congressman sa 1st District ng Quezon City sa 2022 elections.

Kaninang umaga nagtungo ang award winning actor sa Commission on Elections National Capital Region (COMELEC NCR) sa Intramuros, Manila para pormal na ihain ang COC kasama ang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Bukod sa mga magulang na sina Papa Art at Sylvia, naroon din ang incumbent mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na sumuporta sa Kapamilya actor.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Joy na ineendoso niya si Arjo dahil mabuting bata at maganda ang puso.

Pangako ni Arjo, pagsisilbihan niya nang tapat ang District 1 ng Q.C.. Ipinangako rin niyang hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan at hindi lolokohin ang kanyang mga kadistrito.

Ilan sa mga tututukan ng itinanghal na Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards para sa digital series niyang Bagman ay ang edukasyon, healthcare, employment, at frontliners.

Nais din ni Arjo na bigyang solusyon ang pagbaha sa West Riverside.

Sa kabilang banda, may babala ang inang si Sylvia sa anak na si Arjo, “Suportado kita anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka ng tapat at totoo.

“At huwag na huwag kang manloloko o magnanakaw dahil kapag ginawa mo ‘yun ako mismo ang kakastigo sa iyo.”

Sinabi pa ni Sylvia na sasapakin niya ang anak kapag nangurakot ito. 

Pero 101 percent sure naman ang magaling na aktres na hindi magagawang mangurakot o magnakaw ng kanyang anak dahil kilalang-kilala niya ang pagkatao at ugali nito. 

Katunayan, noong June 2021 ay nag-donate si Arjo ng mga service vehicle sa Quezon City government para makatulong sa logistics ng pamahalaang lokal bilang panlaban sa COVID-19 pandemic.

Sa huli muling iginiit ni Arjo na, “Pagsisilbihan ko ng tapat ang District 1 ng QC. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at ‘di ako magnanakaw.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Miles Obra Geleen Eugenio D4E

Cecille Bravo at Miles Obra sanib-puwersa para sa DISCO FOREVER (D4E), hahataw na sa March 21

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sina Cecille Bravo at Miles Obra ay nagsanib-puwersa para sa …

Robb Guinto Louie Ignacio

Robb Guinto, pinayohan ni Direk Louie Ignacio, gawing inspirasyon sina Jaclyn Jose at LT

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINAARTE nang todo ang sexy actress na si Robb Guinto …

Aiko Melendez Onemig Bondoc oneko

Onemig, AiKo loveteam ang peg sa kumakalat na merch

I-FLEXni Jun Nardo ABA, loveteam ang peg ng lovers na sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc, huh! May …

Donny Pangilinan gas attendant

Donny magbibigay-discount sa kanilang gasolinahan 

I-FLEXni Jun Nardo UMANI ng papuri ang aktor na si Donny Pangilinan dahil sa post ng father …

Alfred Vargas

Alfred isinusulong mahigpit na Anti-Bullying Ordinance sa QC  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANAWAGAN si Quezon City Councilor Alfred Vargas para sa isang komprehensibong pagsusuri at …