Friday , April 25 2025
Bayanihan Chess Club

Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge

GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit  ang Grandmaster Rosendo Carreon Balinas, Jr., chess challenge sa tinampukang Bayanihan Chess Club match up series, Chess For A Cause na ginanap sa Goldland Chess Club, Village East sa Cainta, Rizal Huwebes, 30 Setyembre 2021.

Kumamada agad si Suelo ng 2-0 kalamangan sa 3 minutes plus 2 seconds increment, race to 7, draws not counted format, face to face, over the board chess tournament na ang punong abala ay sina Dr. Joe Balinas at Engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas sa pakikipagtulungan ng Goldland chess club.

Nanalo si  Young sa 3rd game pero bumawi  si Suelo sa 4th game tungo sa 3-1 lead. Sa mga sumunod na laro ay nadale ni Suelo ang kartang, 5-2, bago nanalo ng isa si Young sa iskor na 5-3.  Pero pakatapos noon ay deretso na si Suelo sa nalalabing dalawang laro ng panalo.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …