Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
office lady angry woman

LGU official nagwala nang maaktohan si mister at chikababe sa isang gov’t office

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HINDI natin akalain na grabe palang mag-alboroto ang isang lady local government unit (LGU) official lalo kung pag-uusapan ang pagiging ‘chick boy’ ng kanyang mister, na nagkataong isang opisyal din sa isang lokal na pamahalaan sa kabiserang rehiyon.

        Actually, hindi lang silang dalawa ni mister, pati ang ilan nilang kaanak o kapamilya ay nasa LGU rin — para silang Kamag-anak Inc.

        Malulusog silang mag-isip kaya siguro paborito nila ang trabaho sa LGU. Kaya masasabi nating, maraming humahanga sa kanila.

        Anyway, isang araw umano, nahuli nitong si lady LGU official ang ‘waswit’ na may kinakalantareng ‘chikababe’ sa kanyang opisina.

        Nakupo, parang nag-Agatha Trenchbull si Madam! Hindi maawat sa pagwawala. At lahat ng makita ay iwinawasiwas. Ang tingin niya sa ‘chikababes ni mister  ay parang si ‘Matilda.’

Nasira ang kanyang poise. At talagang naghulas daw ang paggalang ng mga nakakita, kasi inisip nilang malusog ang isip ni Madam at hindi aalagwa sa mga ganoong klase ng sitwasyon.

        Heto na, nang mahimasmasan si madam sa kanyang pagka-Trenchbull, agad niyang hinarap ang mga saksi, at sinabing, “huwag na huwag makalalabas ang nasabing insidente,” dahil kung hindi, may kalalagyan sila.

        Aba, matindi rin palang magbanta si Madam. Parang may pinagmanahan.

        Anyway, gusto ba ninyong malaman kung sino si Madam?

        Basta, healthy siya. Gets n’yo na?!

        Kung sinong maka-gets, may libreng tour sa boys town.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

MAGDARAOS ang Batch ‘68 ng Norzagaray Academy ng kanilang ika-58 Class Reunion and Homecoming sa …