Tuesday , June 9 2026
Phoebe Walker

Phoebe Walker, hataw sa kaliwa’t kanang pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT matindi pa rin ang epekto ng pandemic dahil sa CoVid-19, thankful si Phoebe Walker dahil sunod-sunod na projects pa rin ang dumarating sa kanya.

Kabilang dito ang pelikulang Ukay-Ukay, Buy Bust Queen, at Faultline.

Nabanggit ni Phoebe ang reaction niya na sunod-sunod ang projects niya kahit pandemic.

Aniya, “I feel super blessed dahil kahit may pandemic, salamat sa Diyos at kahit paano may projects ako na dumarating every month or every other month. Happy po ako talaga na people in my industry trust me, and really look for me to play certain roles.”

Ibinahagi rin ng aktres ang mga projects niya ngayon.  

Wika ni Phoebe, “Isa po rito ang Ukay-ukay, I play the role of Joan, isang teacher na maalaga sa kanyang nanay na PWD, played by Yayo Aguila. Kaso pagkabili ni Joan ng damit sa ukay-ukay, tila may kababalag­hang kasama ang damit.

“Sa Vivamax po siya lumalabas ngayon.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “May bago akong movie na sisimulan ngayong Oktubre. Action ito at PDEA agents kami rito, kasama ko sina AJ Raval, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Ahron Villena, atbp. Buy Bust Queen po ang title nito.

“May isa pa akong pelikulang lalabas din, last movie directed by legendary director Toto Natividad, called Faultline. Nurse po ako rito at ang pelikula ay tungkol sa trahedya at maraming emergency procedures na ipapakita rito.

“Kasama ko naman sa movie sina Kiko Matos, Jeffery Santos, Don Umali, Rob Sy, atbp. Soon po, wala pang sure ang release date pero maybe towards the end of the year,” sambit ni Phoebe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jamilla Obispo Sugar Mommy Andrew Gan

“Sugar Mommy” pinaka-daring na VMX movie ni Jamilla Obispo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng sexy actress na si Jamilla Obispo na kaabang-abang …

Andrea Gutierrezi Lani Misalucha

Andrea Gutierrez, inspirasyon si Lani Misalucha bilang singer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPAKINGGAN namin ang husay kumanta ni Andrea Gutierrez nang nag-birthday …

Angela Morena Stephanie Raz Micaella Raz

Angela, Steph, Micaella bida sa ‘mainit’ na docu film

I-FLEXni Jun Nardo POWERHOUSE ang offering ng VMX na Triple Threat dahil ang magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie Raz, …

Linda Walker Zhang Yingfei

Linda Walker mainit na sinalubong sa NAIA 

I-FLEXni Jun Nardo ENGRANDENG salubong kay Linda Walker  o ang actress na si Zhang Yingfei ang handog ng …

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …