Friday , August 15 2025
Arnell Ignacio, Sean de Guzman

Arnell hanga sa dedikasyon ni Sean

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ISANG maulang gabi, nagkayayaan para mag-dinner sa bahay ni Arnell Ignacio.

Naku, walang aalalahanin sa health protocols. Dahil maliligo ka sa alcohol at disinfectant mula ulo hanggang paa pagpasok mo pa lang sa tahanan nila ng anak na si Pia.

Nagsalo sa napakasarap na in-order ng kaibigan sa Dampa Restaurant.

At saka naalalang magtanong ni Arnell. Kung mayroon sa aming marunong maglaro ng mahjong.

Hindi ako ‘ika ko natuto. Kahit pa hustler na sa lahat ng sugal ang nagturo sa akin (Ace Vergel). Ayoko lang matuto.

Eh, marunong ang mga kasama ko. So, inilabas ni Arnell ang binili pa  niyang mahjong set (na wala ang dice) na second hand at gulat nga siya na made of ivory pala ang mga piyesa.

So, mahjong 101 kami.

‘Yun pala ang magiging karakter niya sa Mahjong Nights na ididirehe ni Lawrence Fajardo for Vivamax.

Kasama niya sa movie si Jay Manalo. At dito nga niya napansin ang baguhang si Sean de Guzman. Sa script reading palang o storycon nila. Kung gaano kaseryoso ang alaga ng 3:16 Media Network ni Len Carillo.

At sinasang-ayunan ni Arnell na malayo ang mararating ni Sean.

“Sa prod zoom meeting ng ‘Mahjong Nights,’ kasama si Sean de Guzman. Nabilib ako. He read the script, asked pertinent questions, and dead serious about his craft… Looking forward to working with this young man.”

Nag-locked in shoot na ang grupo sa Angeles, Pampanga na sinalubong sila ng buntot ng bagyong Jolina. Habang papasok naman si Kiko!

May gagampanang muli si Arnell sa pagbabalik niya sa kinagiliwan niyang papel sa OWWA.  Na kinapaguran lang niya. Pero sa paghikayat sa pagbabalik niya ngayon, alam mong may maganda at malaking nagagawa si Arnell para sa nasabing ahensya ng ating pamahalaan.

Kasi naman ang utak! Samahan pa ng serbisyong walang pangungurakot!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

AZ Martinez Gracee Angeles SCD Skin Care Depot 2

AZ bagong endorser ng Skin Care Depot 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang ex-PBB Collab housemate at Kapuso artist na si AZ Martinez na ini-launch bilang …

Nicole Al Amiier Ang Aking Mga Anak

Nicole Al Amiier mahusay sa Ang Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang protegee ni Direk Jun Miguel na si Nicole Al Amiier na napanood namin sa …

Rozz Daniels

Rozz Daniels mala-Regine pinagdaanan sa buhay

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL mamamalagi na sa Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz …

Barbie Forteza P77

Barbie may K mabansagang Horror Queen

RATED Rni Rommel Gonzales PALABAS ngayon sa mga sinehan ang horror movie na P77 at tinanong namin …

Zela JF

Zela pang-international na

MATABILni John Fontanilla GOING international ang Fil-Am Ppop soloist na si Zela na isa sa pambatong artist …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *