I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG pagsisisi ang director na si Darryl Yap nang palitan nina Aubrey Caraan at Marco Gallo ang orihinal na bida sa Viva movie niyang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.
Para kina James Reid at Nadine Samonte ang movie pero sa hindi sinabing dahilan ni direk Daryl eh sina Marco at Aubrey ang humalili sa kanila.
Halos sabihing perfect ni direk Daryl ang pagkuha kina Aubrey at Marco bilang kapalit ng JaDine loveteam sa virtual mediacon ng movie.
Ang isa pang ikinatutuwa ng director sa latest film eh pinayagan ng Viva ang shooting nila sa Siqujor Island na sagana ang urban legends tungkol sa mga aswang.
Sa October 1 ang streaming ng Ang Mananaggal Na Nahahati Ang Puso sa VivaMax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe.
Non-stop talaga si direk Daryl sa paggawa ng movies, huh.