Monday , May 12 2025

Buhawi tumama sa Negros Occidental
2-ANYOS SUGATAN, 7 BAHAY NAPINSALA

NASUGATAN ang isang 2-anyos bata nang tamaan ng buhawi ang pitong bahay sa mga bayan ng La Castel­lana at E.B. Magalona, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 27 Agosto.

Sa pahayag nitong Linggo, 29 Agosto, ni Dr. Zeaphard Caelian, hepe ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD), nasira ang limang bahay sa Sitio Old Manghanoy, habang dalawang iba pa ang napinsala sa Sito Hiniwan sa Brgy. Manghanoy, sa bayan ng La Castellana, ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ani Caelian, apektado ang anim na pamilyang may 18 kataong nanini­rahan sa mga napinsalang bahay na kinabibilangan ng dalawang senior citizen at siyam na mga menor de edad.

Tinatayang nagkaka­halaga ng P50,000 ang mga pinsala sa impraestruktura sa bayan ng La Castellana ngunit walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Samantala, sa bayan ng E.B. Magalona, bahagyang nasugatan ang isang 2-anyos bata nang tamaan ng buhawi ang kanilang bahay sa Brgy. Consing.

Ani Caelian, resulta ang buhawi ng malakas na hanging dala ng pag-ulan.

Nag-abot ng tulong pinansyal, pagkain at pangunahing panganga­ilangan ang pamahalaang lokal ng dalawang bayan sa mga apektadong residente.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *