Thursday , June 4 2026
dead gun police

Sa Bulacan
AMANG HOSTAGE TAKER TODAS SA TAMA NG BALA

PATAY ang 49-anyos construction worker na siyam-na-oras nang-hostage ng kanyang apat na mga anak at tumangging sumuko sa pulisya, nitong Biyernes, 27 Agosto, sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay P/Col. Alex Apolonio, hepe ng Pandi PNP, namatay ang suspek na si William Domer dakong 4:00 ng hapon noong Biyernes, sa Bulacan Medical Center (BMC), sa lungsod ng Malolos.

Armado ng sundang si Domer habang mina­martilyo ang kanyang mga anak, at binabato ng mga bubog ang mga pulis na nasa labas ng kanilang bahay sa Willowbend Subdivision, sa Brgy. Pinagkuwartelan, dakong 9:00 pm noong Huwebes, 26 Agosto.

Nabatid na ini-hostage ng suspek ang apat niyang mga anak, edad 7-anyos pababa, nang dumating ang mga pulis para hainan siya ng warrant of arrest sa kasong Act of Lasciviousness na isinampa ng isa sa kanyang mga anak nang araw na iyon.

Nakipagnegosasyon si P/Col. Apolonio ngunit nagmatigas ang suspek at hindi sumuko sa mga pulis na darakip sa kanya.

Nagbanta si Domer na mas mabuting patayin niya ang kanyang mga anak at kanyang sarili kaysa sumuko at madakip ng mga awtoridad.

Nagkaroon ng tsansa ang pulisya na barilin sa balikat si Apolonio nang tangkain nitong pukpu­kin ng martilyo ang isa niyang anak sa ulo ngunit sa dibdib siya tinamaan.

Binawian ng buhay si Domer sa pagamutan habang nilalapatan ng lunas ilang oras matapos ang hostage drama.

Napag-alamang may nakabinbin pang kasong rape laban kay Domer na isinampa ng kanyang apo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …