Sunday , February 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 trike driver huli sa P84K ilegal na droga

SWAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
 
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na sina Roberto Calixto, 54 anyos, residente sa B24 L4 2nd St.; at Allan Almario, 40 anyos, ng 1st St., kapwa sa Brgy. Tañong.
 
Ayon kay Villanueva, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga ng mga suspek kaya’t isinailalim sila sa isang linggong verification.
 
Dakong 7:30 pm nang makompirma ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Amadeo Tayag, Jr., ang buy bust operation laban sa mga suspek sa 2nd St., Brgy. Tañong.
 
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P10,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
 
Nakompiska sa mga suspek ang nasa 12.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P84,320 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 9 pirasong P1,000 boodle money.
 
Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang …

prison shadow

PDL nakapuga sa provincial jail

KASALUKUYANG nagsasagawa ng pinaigting na manhunt operation ang pulisya matapos makatakas ang isang PDL (person …

PLA Air Force Aviation Plane

Sa Zambales
Jet fighter pilot ng China tiklo sa pag-eespiya

KINOMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Año ang ginawang pag-aresto sa isang Mongolian national na …

Norzagaray Bulacan police PNP

2 bagitong motornapper timbog sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking sangkot sa kasong pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. …

LTO Land Transportation Office

Patakaran sa pagmamaneho nilabag
3 driving schools sa Tarlac pinatawan ng parusa ng LTO

PINATAWAN ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driving school sa lalawigan Tarlac …