Thursday , June 4 2026
shabu drugs dead

Mag-amang drug trafficker, babae, patay sa police ops (Sa Tawi-Tawi)

TODAS ang isang lalaki at ang kanyang anak sa isang operasyong ikinasa ng mga awtoridad matapos barilin ang mga pulis nang magtangkang takasan ang pag-aresto sa kanila sa bayan ng Sitangkai, lalawigan ng Tawi-Tawi, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Mayo.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief P/Lt. Gen. Guiller­mo Eleazar ang mga napaslang na suspek na sina Girang Lipae at ang kanyang anak na lalaking si Basil Lipae, napaslang sa magkasanib-puwer­sang operasyon ng pulis at militar sa Brgy. Sipangkot, sa naturang bayan dakong 4:00 am kahapon.

Samantala, napatay rin ang isang hindi kila­lang babae sa enkuwentro ng mga suspek at ng mga operatiba ng PNP-Special Action Force (SAF) kasama ang Philippine Navy at Philippine Marines, na nagtagal ng halos limang minuto.

Ayon sa PNP, unang nagpaputok sa mga operatiba ang mga suspek na wanted sa kasong multiple murder, nang mabatid na huhu­lihin sila ng mga tropa ng pamahalaan, dahilan para gumanti ng putok ang pulisya.

Narekober mula sa pinangyarihan ang ilang matataas na kalibre ng armas gaya ng M1 Garand, kalibre .38 pistola, FN FAL cal. 7.62 rifle, at FN FAL na kargado ang magasin, at mga bala.

Ayon kay Eleazar, lumabas sa imbesti­gasyon na sangkot ang mag-ama sa pagpasok ng ilegal na droga mula Sabah, Malaysia patu­ngong Tawi-tawi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …