Thursday , December 26 2024
Covid-19 Swab test

Pekeng RT-PCR ibinebenta 3 katao timbog sa pulisya

TIMBOG ang tatlo katao sa pag-iisyu ng pekeng Reverse-Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kapalit ng P1,500 sa entrapment operation ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD), sa isang medical clinic, sa Las Piñas City, nitong Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Frederick Jude Seña, 46 anyos, radio technician, residente sa Brgy.. Talon 1, Las Piñas City; Janice Dasco, 35, cashier, ng Sabang, Naic, Cavite; at Gabriela Dimaano, 21, clerk, ng San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Napag-alaman, matapos makakuha ng pekeng RT-PCR test, isinailalim sa validation saka isinagawa ang joint operation ng mga tauhan ng Intelligence Operatives ng District Mobile Force Battalion at District Intelligence Division, dakong 4:00 pm nitong Martes, 20 Abril sa Janric Medical Clinic, dating VMK Medical Clinic, na matatagpuan sa Real St., Alabang-Zapote Road, Talon 1, Las Piñas.

Nakompiska mula sa klinika ang mga edidensiya kabilang ang RT-PCR tests results na may mga pangalan ng pasyenteng sina Ireneo Custodio, Jr., at Joey Tecson,  at apat na RT results na may mga pangalang Esminda Biag, may petsang 3/20/2021; Morelos Carl Jerome na may petsang 4/10/2021; Razel Relon 4/14/21; at Gerardo Lacanialo 1/7/2021.

Nakuha ang Certification of Registration, DTI Certificate, Business License, at Mayor’s Permit na nakapangalan kay Janice Dasco.

Narekober rin ang disposable lighter at isang aluminum foiled na nakarolyo, improvised glass tooter na may bahid ng hinihinalang shabu sa suspek na si Frederick Sena.

Kasong Falsification of Public Documents at karagdagang paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Section 12 ng (Illegal Possession of Drug Paraphernalia) ang kakaharapin ni Sena.

Ayon kay SPD director P/BGen. Eliseo Cruz, alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), mas paiigtingin ang pagtugis sa mga taong nagpoprodyus ng mga pekeng RT-PCR test results.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *