Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Sales lady pinagsasaksak ng holdaper

MALALALIM na sugat at halos mabiyak ang katawan ng isang sales lady nang pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag sa panghoholdap ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Wala nag buhay nang idating sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang  kinilalang si Maribeth Camilo-Goco, 47 anyos, residente sa Gen. Luna St., Brgy. Baritan, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong robbery with murder ang suspek na kinilalang si Leo Ifsor, 29 anyos, residente sa Magat Salamat St., Brgy. Daang Hari, Navotas City.

Sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinal kay Malabon City Police Chief Col. Joel Villanueva, dakong 1:00 pm nang pumasok ang suspek sa Meliza’s Lingerie and Accessories Boutique sa Unit 2, 352 Gen. Luna St., sa Brgy. Baritan, kung saan nagtatrabaho ang biktima bilang sales lady.

Agad nagdeklara ng holdap ang suspek habang armado ng patalim ngunit pumalag ang biktima, na inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang bagahi ng katawan ng holdaper bago mabilis na tumakas.

Ngunit nang dumaan sa isang dead-end na eskinita, binugbog ng mga istambay sa lugar bago napasakamay at naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sub-Station 7 na sina P/SSgt. Anecito Liamado, Jr., P/Cpl. Zaldy Fabul at P/Cpl. Ryan Ulat na nagpa­patrolya sa nasabing lugur.

Nakuha sa suspek ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak sa biktima at ang tinangay na P200 habang isinugod ang biktima sa paga­mutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …