DREAM mainterbyu ng Hollywood blogger at podcaster na si MJ Racadio si Nora Aunor para sa podcast show launching niya, ang Blogtalk with MJ Racadio ng Cut! Print. Podcast Network.
Ayon kay MJ sa zoom media conference, ”She’s a legend in the Philippines. She brought so many international awards for our country. I want to interview her as a person not just as a Superstar. I want to know more of her struggles and her personal life,”
Para sa mga hindi nakakikilala kay MJ, isa isang award-winning social media reporter, EBC international correspondent, celebrity blogger, publicist, at singer. Sa pitong taon niyang pamamalagi sa Amerika, nakagawa na siya ng pangalan doon bilang miyembro ng Los Angeles Press Club. Nakadalo na siya sa iba’t ibang International events. At ilan sa mga memorable interview niya ay iyong kina Steve Harvey, Darren Criss, at Bruno Mars.
Ani MJ, malaki ang pasasalamat niya sa Cut! Print. Podcast dahil sa opportunity na ibinigay sa kanya. Weekly mapapanood ang Blogtalk with MJ Racadio.
Bukod sa Blogtalk with MJ Racadio, ang Cut! Print. Podcast ay tahanan din ng iba pang chart-topping podcast shows gaya ng Sleeping Pill with Inka Magnaye (#1 on Spotify), Jett’s Talk Show (ni Jett Pangan), It’s the Round Table (ni Brian Bonnie), Pop Emergency (nina Alwyn at Adrian), Covert Operations (ng Spade JM, V at Kurt Garcia), Jeck Talks Tech at iba pa.
Si Jett na siyang host ng zoom media conference ang kauna-unahang nagkaroon ng podcast show dito sa Cut! Print.Podcast.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio