Monday , May 20 2024
road accident

10 sasakyan nagkarambola 2 patay, 15 sugatan (Sa lalawigan ng Quezon)

BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang sugatan ang 15 iba pa nang soroin ng isang trak ang siyam na iba pang sasakyan sa lungsod ng Tayabas, lalawigan ng Quezon, nitong Miyerkoles, 7 Abril.

Ayon sa ulat ni P/EMSgt. Elmer Maguiat, imbestigador ng Tayabas police, biglang nawalan ng kontrol nang masira ang preno ng isang Isuzu Elf Forward na minamaneho ni Jeffrey Ferreras, 31 anyos, habang nasa pababang bahagi ng Quezon Avenue sa sentro ng lungsod, sanhi ng pagbangga nito sa hilera ng siyam na iba pang mga sasakyan dakong 8:55 am.

Matapos umanong soroin ang mga sasakyan, tuluyang bumangga ang trak sa isang bahay sa tabing kalsada.

Ayon sa pulisya, lubhang nasugatan si Ferreras at pahinanteng si Junathan Simballa, 44 anyos, na kapwa puma­naw habang dinadala sa pagamutan.

Ayon sa ulat, dinala sa Tayabas Community Hospital ang 12 drivers at mga pasahero ng anim na motorsiklo, dalawang kotse, at isa pang trak.

Kabilang din sa nasu­gatan ang isang pedestrian at dalawang nakatira sa nabanggang bahay.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *