Wednesday , December 25 2024
fire sunog bombero

Tindahan ng muwebles nasunog sa Calapan P5-M pinsala naitala

TINATAYANG P5,000,000 ang halaga ng pinsala nang matupok ng apoy ang isang tindahan ng muwebles sa lungsod ng Calapan, lalawigan ng Oriental Mindoro, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 7 Abril.

Ayon kay Fire Officer 3 Jonjie Gamier, team leader ng mga nagrespondeng bombero mula sa kalapit bayan ng Baco, iniulat ng mga nakasaksi na nagsimula ang sunog sa tindahan sa Brgy. Suqui dakong 2:50 am.

Nabatid, dahil nasa quarantine ang mga responde ng Calapan fire station, tinawagan ng Office of the Fire Provincial Director ang Baco para humingi ng tulong bandang 3:47 am.

Dumating ang grupo ni FOR3 Gamier sa lugar ng sunog dakong 4:00 am at tuluyang naapula ang sunog pagsapit ng 6:20 am.

Tumulong ang mga tauhan ng Calapan Public Safety Department, Bureau of Fire Protection-Calapan, Tamaraw Fire Volunteer, at Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc., upang mapatay ang sunog.

Ayon sa mga may-ari ng tindahan, tinatayang nasa P5-milyong halaga ng mga muwebles at produk­to ang nawala dahil sa sunog.

Samantala, iniimbesti­gahan ang insidente kaug­nay ng sirang electrical system.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *