Friday , May 17 2024

Ivana tumulong na makakasuhan pa

TRENDING kamakailan ang vlog ni Ivana Alawi sa YouTube ang pagpapanggap niya bilang pulubi na nanghihingi ng pamasahe pauwing Baguio.

Umabot sa 18M views ito sa loob ng dalawang linggo kaya maraming netizens ang nagsabing posibleng kasuhan ang dalaga sa ginawa niyang pamamalimos o panghihingi dahil mahigpit itog ipinagbabawal at may batas tungkol dito.

Aniya, ”Kung may nilabag akong batas, eh ‘di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba?

“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people.

“Wala akong tinapakang tao, wala akong sinaktang tao. Masaya ako sa video and I would do it again.

“Hayaan na lang natin. Na-realize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila.”

Ang layunin ng video ay para testingin ang kapwa niya Filipino pagdating sa pagtulong lalo na ang mga tindero at tindera sa lansangan na nag-abot sa kanya at pinalitan naman niya ito ng malaking halaga bagay na ikinatuwa ng marami dahil hindi nila sukat akalain na ‘yung kaunting halaga nilang itinulong sa inakalang pulubi (si Ivana) ay prank pala.

Nagmarka ang lahat sa huling nabigyan ni Ivana ng P20K, ang nagtitinda ng kutsina na si Tatay Joselito na kahit hirap sa pagbubuhat ng paninda habang naglalakad ay nagawang magbigay ng pagkain at kaunting halaga.

Kuwento ng aktres, ”Right after ko inilabas ‘yung vlog na street prank, nagkita kami after two days. Pina-swab ko siya tapos nakapag-usap, nag-lunch, and I helped out in my own small ways.”

Binigyan din niya ng motor ang matanda, ”Tay, motor niyo po ‘yan. Sa inyo na po ‘yan, Tay. ‘Wag na po kayo magba-bus masyado. Sa inyo na po ‘yan, Tay.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *