Thursday , June 4 2026
checkpoint

2 factory workers nakompiskahan ng gin at damo (Pinahinto sa Oplan Sita)

NAHAHARAP sa patong-patong na mga kaso ang dalawang lalaki maka­raang masita sa inilatag na quarantine checkpoint sa boundary ng mga lungsod ng Caloocan at Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Aldrin Dabu at Richie Lachica, mga factory worker.

Nabatid na nitong Lunes ng madaling araw, pinahinto ng mga operatiba ng Meycauayan CPS ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo dahil walang suot na helmet matapos dumaan sa quarantine checkpoint na nagsasa­gawa ng Oplan Sita sa boundary ng lungsod ng Caloocan at Brgy. Bahay-Pare, sa lungsod ng Meycauayan.

Dahil may nilabag na batas, hindi na nakapalag ang dalawa ngunit habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ay nakitaan nila ng isang pakete ng marijuana, isang bote ng gin, at plastic tube pipe na may residue ng marijuana.

Kasalukuyang naka­detine sa Meycauayan CPS custodial facility ang dalawang suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa ipinaiiral na health protocols ng gobyerno.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …