Thursday , December 26 2024

DILG-Napolcom Center sa QC, 3 araw lockdown

TATLONG araw isina­ilalim sa lockdown ang central office ng National Police Commission (Napolcom) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City nang magpositibo sa CoVid-19 ang ilang kawni ng ahensiya.

Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Vitaliano Aguirre II, ang lockdown ay sinimulan nitong Miyerkoles, 17 Marso, at magtatagal hanggang sa Biyernes, 19 Marso.

Habang nakasara, isasailalim ang tanggapan sa disinfection at mag­sasagawa ng contact tracing activity.

Sa kabila ng lockdown, tuloy pa rin ang trabaho ng mga personnel ng Napolcom na nasa ilalim ng work-from-home status.

Para sa mga kliyente na ang transaksiyon ay magsumite ng dokumento, sinabi ng Napolcom na mayroon silang isang receiving personnel mula sa kanilang Personnel and Administrative Service na maaaring tumanggap ng mga dokumento sa G/F lobby ng tanggapan.

Maliban dito, wala nang iba pang transaksiyon na aasikasohin sa nasabing panahon.

Inaasahang mag­babalik ang operasyon ng DILG-Napolcom Center sa Lunes, 22 Marso 2021. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *