Thursday , June 4 2026

Nego ni Duterte sa Sinopharm rep, itinatwa ng Palasyo

WALANG ginawang direktang pakikipag­negosasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Sinopharm, ayon sa Palasyo.

“He (Duterte) did not deal directly with Sinopharm,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

Ang pahayag ni Roque ay taliwas sa rebelasyon ni special envoy to China Ramon Tulfo na saksi siya nang kausapin ng Pangulo sa kanyang cell phone ang kinatawan ng Sinopharm.

Sa kanyng column sa Manila Times ay inilahad ni Tulfo na pinahiram niya ang kanyang cellhone kay Pangulong Duterte para kausapin ang Sinopharm representative sa bansa.

Isiniwalat niya na hiniling ng Pangulo na bigyan siya ng samples ng CoVid-19 vaccine para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Inamin ni Tulfo na siya at ilang hindi tinukoy na mga opisyal ng gobyerno ay naturukan ng Sinopharm CoVid-19 vaccine noong Oktubre 2020.

Ikinuwento niya umano sa Pangulo na wala siyang naram­damang masamang side effect sa bakuna.

Tikom ang bibig ni Roque sa mga rebe­lasyon ni Tulfo.

“Wala po akong reaksiyon diyan dahil sa panahon ng pan­demiya, naiintindihan ko po na maraming gusto tala­gang magka­protek­siyon. Pero ang sinasabi natin sa lahat, hintayin po nating dumaan sa proseso for our own interest” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …