Sunday , April 13 2025

Pinoy nurses tao ‘di ‘commodities’ para i-barter sa bakuna (DOLE binatikos ni Drilon)

ni NIÑO ACLAN

“BAKIT tayo umabot sa ganito?”

Ito ang tahasang tanong ini Senate Minority Leader Franklin M. Drilon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pagbatikos sa alok nito sa United Kingdom at Germany na papayagan nilang na magpadala ang bansa ng mga dagdag na Filipino nurses kapalit ng bakuna laban sa CoVid-19.

Ang naturang dalawang European country ay nagtala ng maraming bilang ng mga natamaan ng CoVid-19.

Ayon kay Drilon maituturing na isang desperadong hakbangin ang planong ito ng DOLE lalo na’t hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin bakunang nabibili ang ating pamahalaan.

Iginiit ni Drilon, maituturing na isang maling polisiya at nagpapakita ng hindi magandang pangitain ang ‘palit bakuna.’

“Our health care workers are not commodities they can trade off,” ani Drilon.

Ibinunyag ng opisyal ng labor department na si  Alice Visperas na nakipag-usap na si DOLE Secretary Silvestre Bello III sa bansang UK at Germany na bigyan ang Filipinas ng mahigit sa 600,000 bakuna kapalit ang pagpapadala ng dagdag pang mga Filipino nurses at iba pang health care workers sa dalawang bansang nabanggit.

“For the government to go this far as trading off its Filipino health care workers in exchange for vaccines means something is not right in the government’s coronavirus vaccination strategy,” dagdag ni Drilon.

Dahil dito pinayohan ni Drilon si Bello na bilang dating labor secretary, dapat niyang abandona­hin at balewalain ang naturang polisiya.

“Hindi po kasama sa mandato ng DOLE ang ‘palit bakuna.’ Our focus should be on protecting the rights and welfare of our overseas Filipino workers especially during these trying times,”  ani Drilon.

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *