Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 kriminal patay, 255 arestado sa week-long SACLEO (Ikinasa sa Bulacan)

NAGRESULTA sa pagkamatay ng anim na suspek at pagkakadakip ng 255 indibidwal ang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP mula 15-21 Pebrero sa lalawigan.

Sa pahayag ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, ang 166 pinagsamang operasyon ng 21 municipal at tatlong city police stations kabilang ang Bulacan 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ay nagresulta sa pagka­kaaresto ng 255 indibidwal at pagkakapatay sa anim na suspek.

Sa ikinasang 81 Manhunt Charlie operation laban sa wanted persons, timbog ang may kabuuang 81 suspek, isa sa kanila ay most wanted person (MWP) ng lungsod ng San Jose Del Monte sa kasong robbery, habang isa ang napatay.

Nagresulta ang 46 anti-illegal drugs operations sa pagkakadakip ng 74 drug suspects habang tatlo ang napaslang na drug personalities.

Nasamsam sa ope­rasyon ang may kabuuang 216 sachets ng hinihilang shabu na tinatayang may timbang na 31.2 gramo at Dangerous Drug Board (DDB) value na P212,160, at 17 sachets ng tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may timbang na 15.15 gramo at DDB value na P1,818, dalawang caliber .38 at isang caliber .22 mga baril.

Samantala, naisuko sa mga awtoridad ang limang baril sa ilalim ng “Oplan Katok” laban sa loose firearms.

Nadakip din ang 13 indibidwal art napaslang ang dalawang suspek sa pagsisilbi ng 19 search warrants kung saan nasamsam ng mga awtrodiad ang 17 baril at isang pampasabog.

Gayon din sa 13 ikina­sang anti-illegal gambling operations, naaresto ang 53 katao at nasamsam mula sa kanila ang sari-saring gambling paraphernalia at P29,783 cash bet money.

Dagdag rito ang 21 suspek na nalambat sa illegal fishing at illegal logging, 11 ang nasakote sa paglabag sa PD 1865 (Illegal Trade of Petroleum products) at dalawa ang natiklo sa pagtugon ng pulisya sa krimen.

Lumilitaw, sa tagum­pay na ito ng Bulacan police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO), nagpapakita na hindi sila nagpapabaya sa pagsisikap na ipatupad ang mahigpit na kampan­ya laban sa wanted persons, illegal drugs, loose firearms, illegal gambling at iba pang lawless activities sa lalawigan.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …