Thursday , June 4 2026

Trike driver huli sa P120K omads (Checkpoint tinangkang takasan)

ARESTADO ang isang tricycle driver makaraang makuhaan ng P120,000 halaga ng damo o marijuana matapos tangkaing takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan  City Police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Roberto Roque, Jr., 27 anyos,  residente sa Masaya St., RP Gulod, Novaliches Quezon City, habang pinaghahanap ang hindi pinangalanang kasama nito.

Ayon kay Col. Mina, dakong 11:15 pm, nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road kanto ng  Lacson Road, Bagong Silang ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Lt. Mel Soniega at P/Lt. John Sadorra, kasama ang NPD-DMFB sa pangunguna ni P/Lt. Jerry Terte nang parahin ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Imbes sumunod sa mga pulis, hindi pinansin ng mga suspek ang checkpoint at pinasibad ang motorsiklo na naging dahilan upang mahulog ang kanilang eco bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Isang maikling habulan pa ang nangyari at nagawang maaresto si Roque na nagmamaneho ng motorsiklko habang nakatakas sa hindi matukoy na direksiyon ang hindi kilalang kasama nito.

Nakompiska ng mga pulis sa suspek ang isang block na nasa 1,000 gramo ng pinatuyong dahon at fruiting top ng marijuana na tinatayang nasa P120,000 ang halaga.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kinakaharap ng suspek na nakatakdang isampa sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …