Thursday , June 4 2026
tracking to Myanmar with National Flag

Palasyo pabor sa panunupil at militarisasyon ng gobyerno (Kaya deadma sa Myanmar crisis)

IPINAGKIBIT-BALI­KAT ng Malacañang ang akusasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kaya patay-malisya sa krisis sa Myanmar ay dahil kompirmasyon ito na pabor sa militarisasyon ang gobyerno at implementasyon ng mga mapanupil na patakaran gaya ng Anti-Terrorism Act of 2020, patuloy na red tagging at pagkansela sa 1989 UP-DND Accord.

Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat pansinin ang naturang pahayag  ni Lagman dahil kalaban siya ng gobyerno.

“Naku, personal na opinyon po niya, hindi na dapat po komentohan at alam naman natin talagang kalaban po si Congressman Lagman ng gobyerno natin,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing.

Ipinauubaya ni Roque sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtugon sa isyu ng Myanmar .

Naglunsad ng coup d’etat ang Myanmar Army laban sa democratically elected government ni Nobel laureate Aung San Suu Kyi, na ikinulong kasama ang iba pang senior figures ng National League for Democracy (NLD) sa isinagawang raid kamakalawa.

Nagdeklara ng state of emergency ang Myanmar Army sa loob ng isang taon at ibinilanggo ang matataas na opisyal ng civilian government bilang pagtu­gon sa umano’y naganap na election fraud noong Nobyembre at sa kawalan ng aksiyon ng pamaha­laan sa panawagan ng militar na ipagpaliban ang eleksiyon dahil sa pandemya.

Anila, ibibigay ang kapangyarihan kay military chief Min Aung Hlaing.

Kabilang sa mga nagkondena sa kudeta ang Indonesia, Singapore, Australia, US, at United Nations (UN).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …