Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Radjabov bandera sa champions tour points

NANGUNGUNA  ngayon sa puntos si Super Grand-master Teimour Radjabov pagkaraang magkampeon sa katatapos na Airthings Masters.

Lomobo  ang kalamangan ni Radjabov sa sume-segundang si GM Wesley So at sa iba pang Grand-masters dahil sa panalong iyon.

Nasa ituktok ngayon ng $1.5-million Champions Chess Tour points rankings ang Azerbaijani chess player.

Dahil sa unang major event ng 10-leg tour, ang Airthings Masters title ay doble ang puntos at  pera ang nakuha rito.

Si So ay winner ng Skilling Open noong Disyembre nang talunin niya si  world champion Magnus Carlsen.

Ang Azerbaijani super grandmaster ay may 91 puntos na lomobo ang lamang na 29 kontra kay So, pangalawang puwesto.

Nanganga­hulu­gan na mayroon nang nakolektang papremyong $60,000 si Radjabov at si So ay $40,000.

Nasilat  si So na maka-akyat sa semis nang ma-talo kay Maxime Vachier-Lagrave ng France sa quarter.

Sa araw na iyon ay nalaglag sa kontensiyon ang top seeded na sina Carlsen,  Hikaru Naka-mura at Ian Nepom-niachtchi.

Nasa ikatlong puwesto si Armenian Levon Aronian na may 61 puntos, saman-tala si Carlsen ay nasa ikaapat na puwesto na may 50 puntos.

Si Vachier-La Grave na sumilat kay So sa Arma-geddon sa quarter­finals ay nasa ikalimang puwesto na may total points na 36.

Nakapuwesto sa pang -anim ang three-time at kasalu­kuyang kampeon ng Speed Chess na si Nakamura na may 30 puntos  kasunod  si Ne-pohmiachtchi, 25 puntos.

Samantala sina Daniil Dubov at Anish Giri ay nasa ika-walo at pang-siyam, may 22 at 1 puntos ayon sa pagkaka­sunod.

Limang regular legs, at 2 majors  ang nalalabi bago ang finals na naka-kalendaryo sa torneo na aabutin hanggang Setyembre 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …