BUBUHAYIN ng Kapuso Pop Rocker na si Anthony Rosaldo ang diwa ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng isang virtual Christmas concert na may layuning tulungan ang Para Kay Kuya, isang initiative para sa displaced transit workers sa bansa.
Ngayong December 23, maki-jamming sa Sana Ngayong Pasko kasama si Anthony, Kapuso actor Richard Yap, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, The Lost Recipe star Mikee Quintos, Kapuso singer Khalil Ramos, at The Clash Season 2 contender, Thea Astley.
Sa kanyang post sa social media, inimbitahan ni Anthony ang kanyang fans at netizens sa sama-samang dumalo at makiisa sa kanilang cause.
“Samahan n’yo po akong umawit at tumulong ngayong December 23, 9:00 p.m., sa aking virtual concert ‘Sana Ngayong Pasko,’ I hope you can share this post para po maraming hearts ang maabot at maka-help sa ating mga kababayang public transport workers na walang trabaho ngayong pandemic. Sharing is caring, ‘di ba po?”
Mapapanood ito ng live sa kanyang official Facebook page na www.facebook.com/
Rated R
ni Rommel Gonzales