Friday , June 26 2026

Anthony Rosaldo, may benefit concert para sa displaced transit workers  

BUBUHAYIN ng Kapuso Pop Rocker na si Anthony Rosaldo ang diwa ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng isang virtual Christmas concert na may layuning tulungan ang Para Kay Kuya, isang initiative para sa displaced transit workers sa bansa. 

 

Ngayong December 23, maki-jamming sa Sana Ngayong Pasko kasama si Anthony, Kapuso actor Richard Yap, Asia’s Romantic Balladeer Christian BautistaThe Lost Recipe star Mikee Quintos, Kapuso singer Khalil Ramos, at The Clash Season 2 contender, Thea Astley

 

Sa kanyang post sa social media, inimbitahan ni Anthony ang kanyang fans at netizens sa sama-samang dumalo at makiisa sa kanilang cause.

 

Samahan n’yo po akong umawit at tumulong ngayong December 23, 9:00 p.m., sa aking virtual concert ‘Sana Ngayong Pasko,’ I hope you can share this post para po maraming hearts ang maabot at maka-help sa ating mga kababayang public transport workers na walang trabaho ngayong pandemic. Sharing is caring, ‘di ba po?”

 

Mapapanood ito ng live sa kanyang official Facebook page na www.facebook.com/theanthonyrosaldo., 9:00 p.m. ngayong Miyerkoles. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …