Thursday , June 4 2026

PH internet speed bumilis kahit may kalamidad sa gitna ng lockdown — Ookla

BUMILIS na ang internet signal sa gitna ng nararanasang pandemya.

Batay sa Nobymebre 2020 ulat ng Ookla, global leader sa  mobile at broadband network intelligence, testing applications, at technology, para sa  fixed broadband, ang bansa ay may average download speed na 28.69 Mbps,  262.71% increase mula sa  download speed na 7.91 Mbps na naitala noong Hulyo 2016.

Sa mobile network overall performance, naitala ang  average download speed na 18.49 Mbps, umangat nang  148.52%  mula sa  speed na 7.44 Mbps noong Hulyo 2016.

Ang  consistent increase na ito sa internet ay naitala sa gitna ng CoVid-19 pandemic-related lockdowns na dumiskaril sa infrastructure roll-out at maintenance ng cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa mula noong  Marso 2020.

Malaking bagay ang pag-angat na ito lalo pa’t nakaranas ang bansa ng mga kalamidad tulad sa pananalasa ng Ambo, Quinta, super typhoon Rolly, at typhoon Ulysses.

Apektado ng kalamidad ang Region II, NCR, CALABARZON, Central Luzon at Oriental and Occidental Mindoro, Quezon province,  Bicol Region, Northern and Eastern Samar, CARAGA, Bukidnon at maging ang Davao del Norte.

Nagaganap ito sa gitna ng pagtatangka ng mga telco services na maabot ang 500% increase sa demand ng internet services dahil sa pangangailangan sa online work, education, at entertainment-related usage sanhi ng community quarantine guidelines.

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa telco services na pabilisin ang internet speed ngayong taon.

Inaasahang mapag-iibayo pa ito dahil sa pagbabalikatan ng DILG at local government units sa pagpapabilis ng pagbibigay ng permits kaugnay sa pagtatayo ng   cellular towers.

Ayon kay Globe President and CEO Ernest Cu, bumilis na ang proseso sa pagkakaloob ng permits kaya’t nakatutulong ito sa maayos na telco services.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, higit sa 2,200 applications for permits ng telco firms ang naiproseso sa taon 2020.

Samantala, pinag-iibayo ni Department of Information and Communications Technology (DCIT ) Secreatry Gringo Honasan ang programang  Free Wi-Fi For All project sa lahat ng mga lalawigan upang mapagbuti ang online class learning experience ng teachers at  students sa mga liblib na pook.

Nakatakdang pormal na ilunsad ng third telco na DITO Telecommunity, ang kanilang serbisyo sa Marso 2021 na magpapabuti sa serbisyo ng telekomunikasyon sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …