NAKAUWI na sa bansa ang Pinoy Seaferers na stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian Province.
Matapos ang mahabang negosasyon ay napauwi na rin sa Filipinas sa pagpupursigi ng Philippine Consulate General sa Xiamen ang walong Pinoy seafarers mula Fujian Province sa China.
Ang naturang Pinoy seafarers ay noong Mayo pa stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian Province sakay ng Chinese fishing vessel He Li 1 Hao.
Ang naturang mga Pinoy ay bababa sana sa Singapore noong Mayo para umuwi ng Filipinas ngunit hindi pinayagan na mag-disembark ang barko dahil sa travel restrictions dulot ng CoVid-19 pandemic.
Bunga nito, nakipagnegosasyon ang kanilang Chinese employer at ang Chinese government, kasama ang Philippine government, kaya napayagang makalipat ng ibang barko ang mga Pinoy hanggang sila ay makadaong sa Fujian Province at makauwi sa Filipinas. -JAJA GARCIA