Thursday , June 4 2026
the who

PECO desperado? 2 ‘bogus’ ginamit laban sa bagong DU

NAGALIT ang mga tunay na kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente, Inc., (KBK) laban sa patuloy na paggamit ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang grupo para sa sariling interes nito upang siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).

Inilantad din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na nagpapakilalang convenor ng grupo na ‘bogus’ at kapwa walang koneksiyon sa KBK.

Sina Aquino at Supena ay makailang beses umanong humarap sa patawag na virtual conference ng PECO at ipinangangalandakan na lehitimong lider ng consumer group at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City kasama na rito ang pagdoble ng insidente ng brownout at pagtaas ng system loss kaya ipinapanawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng refund.

Pero ang mga nasabing akusasyon ay pawang base sa maling impormasyon at layon lamang siraan at ‘targetin’ ang More Power.

Nanindigan ang orihinal na Presidente ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na siraan ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang kanilang libong miyembro.

“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission. We did not give them that mandate. For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members,” paliwanag ni Alcarde.

Tama lamang na magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC na hindi sentimyento ng consumer group ang mga isyung ibinibintang laban sa More Power gayondin ay inihahanda na nila ang posibleng kasong ihaharap laban sa dalawa upang hindi na tuluyan pang magamit ang kanilang grupo.

Sabi ni Alcarde, “Our association being the legitimate representative of the Iloilo City power consumers, cannot and will not ignore these acts of misrepresentations by Aquino and Supena, they owe us and the public an explanation and an apology.”

Patukoy sa tunay na kalagayan ng power system sa Iloilo City, sinabi ni Alcarde na mali ang ipinalalabas na mga paninira ng PECO dahil mismong silang consumers ang makapagpapatunay na umayos ang power suppply nang mag-takeover ang More Power at kahit anim na buwan pa lamang na nag-o-operate ay kapansin-pansin ang mga pagbabagong ipinatutupad.

“Although we wish not to take sides on the issue between PECO and More Power. It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services. There are also downsides, but we are mindful of the fact that the power anomalies and outrages we are experiencing right now are a result of PECO’s severely underdeveloped distribution facilities and neglect” pahayag ni Alcarde.

Ang KBK, rehistrado sa Securities and Exchange Commission(SEC), ay koalisyon ng iba’t ibang organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents association, jeepney and operators association, at ang advocacy group na “Bawal ang Korap.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …