KATULAD ng maraming celebrities, may bagong natutuhang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na E-Sing Lutuin.
Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutuhan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.”
Unang pinag-eksperimentuhan ng singer ang Shrimp Aligue ala Anthony Rosaldo.
Panoorin ang unang sabak ni Anthony sa kusina sa kaniyang latest vlog sa YouTube!
RATED R
ni Rommel Gonzales