Anthony Rosaldo, may patikim sa YouTube 

KATULAD ng maraming celebrities, may bagong natutuhang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na E-Sing Lutuin.

Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutuhan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.”

Unang pinag-eksperimentuhan ng singer ang Shrimp Aligue ala Anthony Rosaldo.

Panoorin ang unang sabak ni Anthony sa kusina sa kaniyang latest vlog sa YouTube!

 

RATED R
ni Rommel Gonzales