Friday , November 22 2024

PECO nang mawala… ‘Dark ages’ sa Iloilo naibsan

ITINUTURING na panahon ng kadiliman o dark ages ng mga Ilonggo ang serbisyo ng dating power supplier na Panay Electric Company (PECO) dahil naging ordinaryong pangyayari sa kanilang pamumuhay ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan.

Sa isinagawang special report ng  Publishers Association of the Philippines Inc., (PAPI) bilang pagtukoy sa estado ng power supply sa Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/

inisa-isa nito ang dahilan ng naging pag­bagsak ng kontrobersiyal na 96-taon pamahahala ng PECO at kung bakit inayawan hindi lamang ng customers kundi mismo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nagsulong ng inisyatiba na hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission (ERC) na palitan ang kanilang power supplier.

“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase ‘technical incompetence’ following years of un­explained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” nakasaad sa nasabing report.

Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC kasama na rito ang hindi maayos na protective devices, hindi ligtas na mga poste, overheating na substations, walang upgrade sa kanilang lumang distribution system sa maraming taon at hinuhulaan lamang ang meter reading kaya nagkaroon ng P631 milyong refund sa mga consumers ang nagbigay daan para bawiin sa PECO ang prankisa, operational at business permit nito.

Bagamat wala na sa Iloilo City ang PECO ay hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Ilonggo sa kanilang power system.

Pinuna ng PAPI na ang dahilan nito ay patuloy pa rin na panggugulo ng PECO sa operasyon ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power) na una nitong inakusahan na mas dumalas ang narara­nasang brownout at tumaas pa ang sinisingil na systems loss.

Sa report ng PAPI, sinabi nito na lumilitaw na walang basehan ang akusasyon ng PECO laban sa More Power dahil ang buong sistema mismo na ginagamit noon ng PECO ang substandard na sinisimulan na ngayong isaayos ng bagong power supplier kaya nag­kakaroon ng scheduled power interruption.

Binigyang puntos din ng PAPI ang suporta ng buong komunidad sa More Power na hindi umano nakita sa ilalim ng pamamahala ng PECO.

“Various sectors of the Iloilo City community express its full backing to More Power, with all of them saying the new power distributor is on the right track,” ayon sa report.

Samantala, sinabi ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang maliwanag na pamumuhay sa Iloilo City sa pag-alis ng PECO at pinanghahawakan ang pangako ng More Power sa mas maayos na serbisyo.

“From the standpoint of being a consumer myself, I ask everyone to bear with the situation and have a little more patience. MORE cannot do miracles, like instantly solving the woes we had experienced for decades under PECO. It’s only fair that we allow More to prove its worth,” pahayag ni Msgr. Meliton Oso, head ng Jaro Archdiocese Social Action Center.

Hindi na rin umano papayag ang grupong Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) na maibalik ang PECO sa Iloilo City dahil mas may kakayahan umano ang bagong power supplier na tugunan ang pangangailangan ng lungsod.

Sinabi ng PAPI, ang underfunded na distribution infrastructure ng PECO sa loob ng maraming taon  ang puno’t dulo ng naging problema sa koryente ng Iloilo City kaya naman kung hindi nito kakayanin ang demand ng panahon ay mainam na lisanin na ang lungsod at ipaubaya ang power supply sa More Power na nakita ng Kongreso na may kakayahang mag-rollout ng development plan sa buong power system ng Iloilo City.

Hindi umano simpleng usapin ang isyu sa pagitan ng More Power at PECO dahil koryente ng buong lungsod ang pinag-uusapan dito na lifeline at mahalagang instrumento para sa socio-economic developnent ng lungsod.

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *