INANUNSIYO ng pamunuan ng Dallas Mavericks na hindi makalalaro si Kristaps Porzingis sa nalalabing games ng kanilang 1st round series kontra Los Angeles Clippers.
Garahe muna si Mavs star Porzingis dahi sa nadale siya ng meniscus tear sa kanang tuhod.
Ayon kay Marc Stein ng New York Times, hindi na makalalaro ang Mavs star sa nalalabing 2020 playoffs.
Ayon pa sa pamunuan ng Mavs, pinag-aaralan pa kung kinakailangang dumaan sa operasyon ang kanang tuhod ni Porzingis. Matatandaan na napunit ang kanyang kaliwang ACL sa naging laban nila noon kontra New York Knicks nung 2017-18 season.
Naglaro si Porzingis ng 57 games para sa Mavs sa 2019-20 regular season. May averaged siya na 20.4 puntos, 9.5 rebounds at 1.8 asssists. Ang shooting percentage niya ay 42.7 mula sa field, 35.2 percent mula sat res at 79.9 percent sa free-throw line sa 31.8 minuto sa loob ng court.
Pumirma si Porzingis ng limang taong kontrata na max contract para sa Mavs nung summer 2019. Samantalang isa siyang All-Star talent, naging malapit siya sa injuries simula nang pumasok sa NBA.
Lamang sa serye ang Los Angeles Clippers 3-2 sa Mavs sa 1st round playoffs. Ngayong hindi makalalaro si Porzingis, llamadong-llamado ang Clippers na makuha ang serye.
Nadale si Porzingis ng injury sa team’s Game 1 loss sa LA Clippers. Inanunsiyo iyon ng Mavs pero ganun pa man ay naglaro pa rin sa Game 2 at 3 ang Mavs star. Humataw pa siya ng 23 puntos at seven rebounds sa Game 2 win para itabla ang serye 1-1. Sa Game 3 na kung saan ay natalo sila ay tumikada siya ng double-double na 34 puntos at 13 rebounds kahit pa nga ramdam na niya ang torn meniscus.
Sa kanyang unang postseason, may averaged si Porzingis na 23.7 punots, 8.7 rebounds at 1.0 blocks sa nasabing tatlong games.
Ang Game 6 ay itinakda sa Sabado, Agosto 29 at 3:30 pm. ET.