Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Utak na NCMH official, 6 kasabwat tinukoy at inasunto na sa QC (Director tinambangan)

IKINOKONSIDERA ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang kasong pagpaslang kay dating National Center for Mental Health (NCMH) Director Roland Cortez at kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz, noong 27 Hunyo sa Brgyrangay Culiat, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, maikokonsiderang lutas na ang krimen makaraang matukoy ang pitong suspek na kinabibilangang ng isang mataas na opisyal ng NCMH ang nasa likod ng pananambang sa dalawang biktima.

Ani Montejo, kanilang sinampahan sa Quezon City Prosecutor’s Office ng dalawang kaso ng murder ang mga suspek na sina Clarita Avila, Chief Administrative Support Service ng NCMH; Harly Pagarian at George Serrano; Sonny Mitra Sandicho, Edison Riego, Maria Christina Dela Cruz, at Albert Eugenio alyas Robert Eugenio.

Ayon sa opisyal,  ang pagsasampa ng mga kaso ay base sa mga nakalap na ebidensiya ng mga imbestigador mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Elmer Monsalve.

Sinabi ni Monsalve, ang laban ng biktima kontra sa korupsiyon sa nasabing institusyon ang posibleng motibo sa pagpatay.

Nabatid na nagpapatupad ng mga reporma si Cortez sa NCMH, na nagresulta upang maimbestigahan ito ng National Bureau of Investigation (NBI), at masampahan ng kaso ang suspek na si Avila.

“Dahil doon sa reform na ‘yun may nakita siyang mga iregularidad at doon na na-exposed ‘yung mga anomaly sa loob ng NCMH,” ani Monsalve sa isang press briefing.

Sinabi ni Montejo, ngayong kinasuhan na ang mga suspek ay ikinokonsidera na nilang naresolba na ang krimen.

Samantala, ang mga suspek naman ay pawang nakalalaya pa at inaasahang mabibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa hukuman. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …