Thursday , December 26 2024
the who

65,000 residente ng Iloilo City umaasang kakatig sa kanilang  kapakanan ang Supreme Court

THE WHO ang nag-aabang ngayon sa desisyon ng Supreme Court kaugnay ng legal na isyu sa pagitan ng dalawang distribution utility — ang More Electric and Power Corp., at Panay Electric Company (PECO)?!

Walang iba kundi ang 65,000 Iloilo residents na bilang mga power consumers rin ay umaasang ikokonsidera ng Korte Suprema ang kanilang kalagayan sa pagdedesisyon sa isyung inaargumento ngayon na unconstitutional ng PECO.

Pangunahing nagdadala ng interes ng mga consumer ang pinakamalaking transport cooperative sa lalawigan na isinusulong din na nawa’y resolbahin ng kataas-taasang hukuman ang nasabing legal na isyu sa pagitan ng dalawang power firm.

Ang More Power ang bagong nangangasiwa sa pagsu-supply ng koryente sa Iloilo City na nabigyan ng legislative franchise ng Kongreso, business permit mula sa Iloilo City Government, at Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) ngunit kinuwestiyon ng PECO at sinabing unconstitutional ang takeover sa kanilang negosyo, na ngayon ay dinidinig sa Korte Suprema.

Ayon kay Halley Alcarde, General Manager ng Western Visayas Transport Cooperative (WVTC), bagamat may anim na buwan pa lamang ang More Power bilang power supplier ng lalawigan ay malaking kaibahan at kaginhawan na ang kanilang nararanasan kompara sa ilang dekadang pahirap na dinanas sa serbisyo ng PECO.

“Alam namin na legal issues ito, mga batas ang pagbabatayan ng ating mga mahistrado pero sana ang aming apela bilang consumers ay iprayoridad at tingnan ang kalagayan noon at ang malaking kaibahan ngayon sa power supply sa Iloilo. Sa totoo lang kami ay parang nabunutan ng tinik, na-solve ang aming reklamo sa problema sa koryente at ito sana ang makita ng SC,” paliwanag ni Alcarde.

At bilang patunay na ikinatutuwa ng mga residente ang pagpapalit ng power supplier at ang takeover ng More Power ay maaari umanong tingnan ang mga social media accounts ng power firm dahil makikita rito ang mga mensahe ng papuri at hindi reklamo.

Sa totoo lang, mayroon pa umanong nararanasang brownouts sa Iloilo pero scheduled power interruption na ito at may abiso kung hanggang anong oras. Hindi umano gaya noon na kapag nawalan ng koryente, hindi na alam kung bakit inaabot ng ilang araw.

Ayon naman kay Francis Gentoral, Executive Director ng Iloilo Economic Development Foundation, Inc., bagamat nasa transition phase pa ang pamamahala ng More Power ay makikitang may accountability at transparency sa ginagawa nito at mahalagang nakukuha ng consumers ang tamang serbisyo base sa binabayaran nila.

Bilang isang grupo na nanghihikayat ng investors sa lalawigan, sinabi ni Gentoral na kapansin-pansin ang mga pagbabago sa power system sa Iloilo City sa ilalim ng More Power.

Kung dati ay may investors na umaatras kapag nakikita ang estado ng supply ng koryente, sa ngayon ay positibo ang reaksiyon ng investors sa ginagawang pagsasaayos ng bagong power firm.

Una nang sinabi ni More Power President Roel Castro na aabutin ng tatlong taon bago tuluyang maimodernisa ang kabuuan ng power system sa Iloilo City, sa tulong na rin ng kanilang inilatag na P1.8-bilyong  modernization program.

Sa ilalim ng programa, ang mga pangunahing problema na pagpapalit ng mga sira-sira at lumang pasilidad ay kanila nang nasimulang ayusin.

Bagamat nasa ilalim ng lockdown ang bansa dahil sa pandemyang COVID, hindi naging hadlang para ilunsad ang mga pagawain sa power system sa Iloilo City, mula nang i-takeover ng More Power.

Noong Pebrero 2020 ay nai-upgrade nito ang 100  distribution transformers, napalitan ang mahigit sa 100  electric poles, isinaayos ang 97 hotspot connectors, napalitan ang lahat ng switchboards at transformers sa lahat ng 5 substations, at kasalukuyang lumalarga ang pagpapalit ng mga depektibong electric meters sa 15,000 residente.

Sa technical study na ginawa ng Miescor Enginering Services Corp., una nitong sinabi na manually operated ang mga pasilidad na ginagamit ng PECO na karamihan ay ginawa pa noong 1960s, dahil hindi na ito akma sa panahon ay maaaring pagmulan ng sunog lalo at nakitang umaandar sa 90% capacity ang load ng mga power substations na dapat ay 70% lamang.

Kaya The WHO ang umaasang reresolbahin ng Supreme Court ang isyu sa pagitan ng More Power at PECO sa takdang panahon?

Walang iba kundi ang consumer groups at ilang multi-sectoral groups kabilang ang simbahan, mga teachers’ group at transport sector.

        Power pa more!

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *