Monday , December 23 2024
Stab saksak dead

Tinarakan ng hunting knife ni mister kalaguyo ni misis patay

Bago nagawang makalayo at makatakas, nadakip ng pulisya ang isang lalaki matapos patayin sa saksak ang pinaghihinalaang kalaguyo ng kaniyang asawa sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, noong Biyernes, 14 Agosto.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kinilala ang suspek na si Dexter Sabijon, 37 anyos, residente sa Sitio Puyat, Barangay Tartaro, sa naturang bayan.

Samantala, kinilala ang biktimang si Benicio Rellosa, 50 anyos, residente rin ng nasabing barangay at sinasabing kalaguyo ng misis ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS), dakong 8:40 pm noong Biyrernes nang hanapin ng suspek ang kaniyang misis.

Dito ay natutop ni Sabijon ang misis na kainuman si Rellosa na malaon na niyang pinaghihinalaan na sumasalisi sa kanilang bahay kapag wala siya.

Biglang hinugot ng suspek ang isang hunting knife at tinarakan sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktima na duguang bumagsak sa lupa.

Naisugod pa ang biktima sa San Miguel District Hospital para malunasan ngunit idineklara ng manggagamot na dead on arrival.

(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *