Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, tumatanggi sa trabaho dahil sa takot sa Covid-19

DAHIL sa takot sa lumolobong bilang ng Covid-19 positive, hindi muna tumatanggap ng trabaho si KitKat.

 

Ilang alok na trabaho na nga ang tinanggihan nito dahil na rin sa takot na baka dapuan siya ng nakamamatay na sakit.

 

Post nga nito kamakailan sa kanyang FB“HUHUHU! Another work na tinurn down, kakahinayang pero mas mahalaga buhay ko at buhay ng pamilya ko.

 

“Bukod sa take advantage naman sa pagtawad e, oo nga kikita ng konti, sakit naman abutin ko walang maayos na sinabi pa kung pano kami mapapangalagaan… Hayzzz.”

 

Bahagi nga ng kuwento ni Kitkat na simula ng nagpatupad ng lockdown ay ni minsan hindi pa siya lumabas ng bahay sa takot na mahawa.

 

“Mahigit 4 months na akong di lumalabas, (ayoko talaga) hindi ko na natutungtungan kahit ang garahe namin (takot ako sa hangin) or nakakalapit sa gate namin.

 

“Ayoko kahit magbukas ng bintana or pinto di kami nagkikita ng araw. Pati kotse ko di na rin ako kilala marunong pa kaya ako magmaneho?! #betterSafeThanSorry.”

 

At kahit ang kanyang mga magulang ay ‘di na nito nagagawang dalawin at hindi rin puwedeng bumisita sa kanila dahil parehong senior citizen na at parati na lang niyang tinatawagan via video call para kumustahin ang kalagayan.

 

At maging ang pagbili ng kanilang maintenance (gamot) ay ipinakikiusap lamang niya sa kakilalang malapit sa bahay sa Quezon City.

 

At ang isang bagay na pinagkaabalahan nito during lockdown ay ang pagti-Tiktok at ang pagco-concert na kanyang ipino-post sa social media. Nag-o-online selling din siya at ang kanyang asawa ng tuna at salmon at mga produktong ineendoso ni Kitkat katulad ng Sodium Ascorbate Alkaline, Beautederm Products atbp..

 

Thankful din nga si Kitkat sa CEO-President ng Beautederm na si Rhea Anocoche-Tan dahil isa ito sa tumutulong sa kanya at sa iba pang ambassador ng Beautederm at laging kinakamusta ang kanilang kalagayan. Kaya naman masayang-masaya ito na naging parte ng Beautederm na ngayon ay nagdiriwang ng ika-11 isang anibersaryo.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …