Thursday , December 26 2024

4,000 ‘jumper’ ng koryente nakompiska sa 42 barangays (Sa Iloilo City)

MAHIGIT isang linggo o 10 araw lamang ay umabot na sa 4,000 illegal connection ang ‘naaresto’ ng distribution utility na More Power and Electric Corp., (More Power) sa ilalim ng inilunsad nitong “Oplan Valeria”  na nakatuon para mawakasan ang matagal nang problemang electric jumper sa Iloilo City.

Ayon kay Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power, ang mga nahulihang gumagamit ng jumper ay mula sa 42 barangay sa Iloilo City.

Aniya, inaaasahan nilang madaragdagan pa ang nasabing bilang resulta ng kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa illegal connection.

Kasabay nito, nagbanta si More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residente na patuloy na nakikinabang sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin sila at papanagutin sa batas at maaari silang maharap sa pagkakulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.

Nasa anim katao ang kinasuhan ng More Power ng paglabag sa Anti-Pilferage Law, sila ang itinurong nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.

Sa 2019 technical study na ginawa ng Miescor Engineering Services Corp., ay natukoy na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo na itinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3% sa ilalim ng  dating power firm na Panay Electric Company (PECO) gayondin ang overloading sa linya ng koryente kaya nakakaranas ng biglaang mga brownout.

Pinayohan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng koryente at sa halip ay mag-apply ng kanilang sariling legal na kontador ng koryente.

“We’ve shortened the process even more. Pag-submit nila ng mga papeles from the City Engineer’s Office like the Electrical Safety Inspection Certificate and pay their bill deposit kahit partial lang na P1,000, we will install an electric meter right away, no fuss,” pahayag ni Castañeda.

Agad nagpakabit ng linya ng koryente ang 1,500 residente na nahulihan ng jumper.

Samantala, itinuring ni Barangay East Baluarte, Molo Chairman John Gary Patnubay na isang “blessing” ang pagpasok ng More Power sa Iloilo City dahil natigil na ang mga insidente ng sunog dulot ng faulty electrical wiring dala ng talamak na paggamit ng jumper.

Tinuran ni Patnubay ang mabilis, mas magaan at murang aplikasyon sa pagpapakabit ng electric connection bukod pa ang abot-kayang singil sa koryente na ipinatutupad ng More Power na nag-udyok sa consumers na talikuran ang mapanganib na paggamit ng jumper.

“In my barangay alone, more than 80 of the 130 applications for electrification are now legally connected with the power company, 50 of which were done in 1 single day on Saturday. It was fast, amazingly fast. Let’s give it to MORE Power and its iKONEK Program that it launched in partnership with the city government of Iloilo to encourage city residents in securing their own regular power accounts,” paliwanag ni Patnubay.

Noong ang PECO ang nangangasiwa sa power service sa Iloilo City, isa ang lalawigan sa may pinakamataas na singil sa koryente sa bansa at ang itinuturong dahilan ay mataas na systems loss o ang nananakaw na koryente na ipinapasa sa consumers gayondin ang mga lumang pasilidad na nagpapahina sa distribition efficiency.

Nangako ang bagong distribution utility na More Power na pabababain nila ang electricity rate sa lalawigan sa pamamagitan ng ginagawa nilang modernisasyon sa transmission system at network kasabay ng patuloy na pagresolba sa jumper na target nilang matapos sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni MORE Power president Roel Castro, ang kooperasyon ngayon ng mga barangay sa pagtukoy sa illegal connections ang naging malaking tulong, kasabay nito ay hinikayat niya ang iba pang sektor na makipagtulungan para maresolba ang talamak na power pilferage sa lalawigan at makamit ang mas maayos at maasahang distribution system.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *