Sunday , November 24 2024

Quarantina Gothika—isang labor of love sa alaala ni Peque Gallaga

NAGSISIMULA pa lamang ang mga lockdown dahil sa pandemya nang pumanaw ang batikang direktor na si Peque Gallaga. Sa gitna ng dalamhati sa biglaang pagkawala ng kanilang mahal na ama, guro, kasamahan sa trabaho, at higit sa lahat, kaibigan, naisipan ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na gumawa ng maikling pelikula bilang pahimakas sa kanyang alaala.

Sa isang Zoom meeting ay nabuo nina Lore ReyesJo Macasa, at Christian Acuña ang balangkas ng dalawang short films na binalak nilang gawin sa ilalim ng mga limitasyon ng quarantine at lockdown. Ang una ay idinirehe ni Reyes, sa panulat ni Macasa, at ang kabuuan ng pelikula ay kinunan sa bahay sa Berkeley, California ng anak na babae ni Gallaga, si Michelle. Kung iisipin ay nakatulong ang umiiral na lockdown para mabilis na mabuo ang isang proyektong nasa magkakalayong bansa ang mga filmmaker at ang mga artista.

Sa short film na Hello, Mom?, si Michelle Gallaga ay isang bulag na biktima ng isang malagim na home invasion.

Sumunod agad dito ang shooting ng isa pang short film na gamit pa rin ang Zoom app. Ang maikling pelikulang In-House ay tampok si G Toengi na kasalukuyang naninirahan din sa California. Ito naman ay sa direksiyon ni Christian Acuña, na siya ring direktor ng dambuhalang fantasy adventure na Magikland, isang feature film na co-producers sina  Gallaga at Reyes. Ang script ng In-House ay isinulat ni Vince Groyon, at naging bahagi ng produksiyon ang ilang kaibigan ni Giselle sa California—ang cinematographer na si Aldrin Samson at ang artistang si Minerva Vier (na siyang naging Art Director ng pelikula).

Sa pagpasok ng isa pang short film na tampok naman si Solenn Heussaff, nabuo ang trilogy na tinawag nilang Quarantina Gothika. Sa direksiyon ni Macasa at script ni Wanggo Gallaga, sa pelikulang  Solitaire ay hindi lamang kaisa-isang artista si Solenn kundi siya rin ang naging cameraman at Art Director. At ginawa niya ito sa gitna ng pag-aalaga sa kanyang Baby Thylane at iba pang gawaing bahay sa gitna ng pandemyang Covid-19.

Ang post-production ng trilogy ay nasa kamay ngayon ng Film Editor na si Cedric Regino (na siya ring Sound Designer), ang premyadong kompositor na si Emerzon Texon, at si Richard Francia ng Central Digital Lab na siyang namamahala sa color grading at visual effects.

Nagsimula ang proyekto bilang katuwaan, at “labor of love”, ‘ika nga, sa dahilang wala naman itong budget para sa produksiyon. Ngunit dala ng nakasanayan nang propesyonalismo ng pangkat ni Gallaga ay nagbunga ito ng isang obrang hindi mo sukat akalaing mabuo sa ilalim ng karima-rimarim na kondisyon ng ating buhay sa kasalukuyang panahon.

Ang Quarantina Gothika thriller-trilogy ay mapapanood na simula sa Agosto 1, bilang isang streaming event sa Remembering Peque Gallaga page ng Facebook.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *