MANDATORY ang pagsusuot ng face mask sa panahon ng pandemyang COVID-19 dahil malaki ang naitutulong nito para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus.
Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot nito sa loob ng Disney Campus kung saan nanahan ang players ng 22 teams na hahataw sa restart ng NBA season.
Ang lahat ng players na nasa NBA campus ay kailangang nakasuot ng mask kapag lumabas ng kanilang silid o sa labas ng basketball court.
Ang ‘goal’ ng NBA’s “bubble” ay para mapanatili ang virus sa labas — para maihiwalay ang Florida sa campus na pagdarausan ng restart ng games.
May protocols ang liga na itinakda para malimitahan ang pagkalat ng virus kapag nasa loob na. Ang pagsusuot ng face mask ay krusyal sa nasabing protocol.
Nang pumasok ang anonymous tip line ng liga, ang isa ay para kay Lakers center Dwight Howard, dahil sa hindi pagsusuot ng mask sa paligid ng campus, bagay na inamin naman niya sa Instagram Live chat.
Ang violation ay iniulat sa NBA Campus Hotline, na itinakda para maproteksiyonan ang mga manlalaro at staff na lalahok sa restart ng liga sa Orlando, Florida.
Agad nakatanggap ng warning si Howard sa ‘di niya pagsusuot ng mask.
“Somebody told on me,” pahayag ni Howard noong Miyerkoles sa Instagram Live post, broadcast sa kanyang 2.7 million followers.
Ang ipinamahaging 113-page restart handbook ay hindi nakasaad kung ano ang ipapataw na parusa sa naging violation ni Howard.
Tapik sa balikat ang puwedeng paalala sa kanya at tuloy na ang buhay sa loob ng campus.
Pero kung magpapatuloy ang violation ni Howard, irerekonsidera na ng NBA ang option.
Si Howard ay isa sa key players ng Lakers. May average na 7.5 puntos at 7.4 rebounds sa 19 minutong paglalaro off the bench.
Kailangan siya ng Los Angeles sa playoff, at kung magpapatuloy ang maganda niyang laro at ni JaVale McGee para sa Lakers sa center position, makagagalaw nang maayos sa four si Anthony Davis.