Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mega web of corruption: State-run TV station ‘pitaka’ ng execs (Unang Bahagi)

PAANO nakatutulog nang mahim­bing sa gabi ang isang opisyal ng gobyerno ng isang ‘naghihingalong’ state-run TV station na sumasahod ng P200,784.58 kada buwan habang may mga kawaning sumusuweldo lamang ng mahigit P6,000 hanggang P8,000 isang buwan?

Tanong ito matapos mabatid na ang president and chief executive officer ng Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13), isang government-owned and controlled corporation (GOCC), ay tumatanggap ng suweldong P200,784.58 kada buwan pero ang apat na kawani nito sa Laoag, Ilocos Norte ay sumasahod lamang ng mula mahigit P6,000 hanggang P8,577.50 isang buwan.

Habang ang apat na empleyado ng state-run network sa Palo, Leyte ay tumatanggap ng P8,972.92 kada buwan.

Sila ay bahagi ng 19 kawani ng IBC-13 sa pitong provincial stations.

Lumalabas na ang pinakamababang sahod ng kawani ng IBC-13 ay halos 4% lamang ng suweldo ng kanilang President at CEO na hanggang noong naka­lipas na Abril ay si Katherine de Castro.

Itinalaga si De Castro ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga board of directors ng People’s Television Network Inc. (PTNI) at inihalal bilang general manager ng nasabing state-owned TV station.

Bago umalis sa IBC-13 ay inirekomenda ni De Castro si Corazon Reboroso bilang officer-in-charge at sumusueldo ng P79,085.58.

Ayon sa source, imbes ipatupad ang regional wage hike, binawasan umano ni Reboroso ng sampung piso ang umento sa sahod kahit pa kakarampot na ang naiuuwing suweldo ng mga kawani sa kanilang pamilya.

Nagsimula ang kalbaryo ng mga kawani ng IBC-13 noong 2008 nang hindi na mabayaran ang retirement benefits at iba pang benepisyo hang­gang umabot sa mahigit P300-M ang pagkaka­utang ng management.

Para sa kasalukuyang taon (2020), may P77,768,000 budget ang IBC-13 mula sa General Appropriations Act pero humihirit ito sa Kongreso na pagkalooban ng dagdag na P600-M para ipantustos sa moder­nisasyon dahil may panukalang proyekto sa Department of Education (DepEd) na magsisilbing Educational Broadcast Network na tinatayang aabot sa halagang P1.5-bilyon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …