Thursday , December 26 2024

Sobrang singil dapat isauli sa consumers (PECO hinimok magbayad)

IMBES gumastos sa lawyer’s fee at publicity  para mahabol ang kinan­selang legislative franchise at mabawi ang tinanggal na operation permit na umano’y umabot sa P300 milyon, hinimok ng isang opisyal ng Iloilo City na mainam na bayaran ng Panay Electric Company (PECO) ang overbilling nito sa kanilang mga consumers kaysa magkaasuntohan.

Ayon kay dating Iloilo Councilor Joshua Alim, malaki ang pagkakautang ng PECO sa 60,000 consumers ng Iloilo dahil sa overbilling sa monthly electricity consumption na umaabot nang halos 1,000 porsiyento.

“PECO should stop wasting its cash on huge lawyers’ fees in trying to stop the new distribution utility from operating and instead save its cash for the  payment of the remaining amount of unrefunded overbilling,” paliwanag ni Alim, nanguna sa mga opisyal ng Iloilo City na nag­paabot sa Kongreso ng pagtutol na ma-renew ang prankisa ng PECO dahil sa palpak na serbisyo nito sa loob ng ilang dekada.

Sinabi ni Alim, dalawa ang overbilling case na kinahaharap ng PECO, ang una ay P1 bilyon na dapat ibalik sa mga consumers resulta ng “over recovery” sa biniling koryente mula sa generation company na Panay Power Corp., noong 2009.

Ani Alim, nagkaroon ng compromise agree­ment sa nasabing kaso kaya nasa P630 milyon na lamang ang iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund sa consumers.

Ang ikalawang over­billing case ng PECO  ay nadiskubreng anomalya ng House Committee on Legislative Franchises sa gitna ng isinasagawa nitong pagdinig, batay sa mga ebidensiyang nakalap at nagkaroon ng mga erroneous meter reading ang PECO dahil sa kanilang sira-sira nang electric meters at lomobo ang bilang ng mga gumagamit ng jumper o illegal power connections na nagresulta ng pagtaas sa singil ng koryente sa kanilang consumers.

Tinukoy ni Alim ang naging technical study ng MIESCOR Logistics Inc., noong 2019 na nagsasa­bing may 30,000 illegal power connections sa Iloilo City na mas mataas pa ang nakukunsomong koryente kaysa mga lehitmong consumers kaya umabot sa 9.3 porsiyento ang systems loss.

“This is very bad because not only were we paying for the high consumption from illegal power connections but were also overbilled by as much as 1,000 percent,” pahayag ni Alim na inamin ang isyu sa overbilling ng PECO ang pangunahing dahilan kung bakit umayaw ang mga Ilonggo sa serbisyo nito at nanawagan sa Kongreso na huwag nang i-renew ang kanilang prankisa.

“We Ilonggos still oppose PECO returning to operating the electricity distribution system in Iloilo City. The fact that it would rather pay its lawyers and PR con­sultants huge fees than pay consumers back shows its attitude towards consumers, remains bad,” giit ni Alim.

Samantala ipinag­tanggol din ni Alim ang More Electric and Power Corp., (More Power) sa bintang na lumala ang brownout mula nang itakeover nito ang power distribution sa Iloilo, giit ni Alim.

Ang nararanasang brownout ay resulta ng isinasagawang com­prehensive preventive maintenance na nag­lalayong higit na pag­butihin ang serbisyo dahil pinapalitan ang mga luma at sirang pasilidad kompara umano noong panahon ng PECO na nagkakaroon ng madalas na power interruption dahil sumasabog ang mga power lines at nagkakaroon ng over­loading.

“The repair and preventive maintenance works that caused the brownouts that PECO is now saying proves the inability of MORE Power to manage the city’s power system came from their own failure to invest in new capital equipment and technology which MORE Power is now solving with its preventive maintenance work,” dagdag nito.

Kaugnay nito sinabi ng Iloilo City Council sa nakaraang public hearing, kinikilala niya ang More Power na nag-iisa at legal na power utility sa lalawigan dahil ito ang may hawak ng legislative franchise mula sa Kongreso at siyang inisyuhan ng certificate of public convenience and necessity (CPCN) ng ERC para makapag-operate bilang Distribution Utility sa Iloilo City.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *