WALANG naka-set na routine si Janine Gutierrez na namamalaging mag-isa sa kanyang condo unit habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.
Iba-iba ang ginagawa niya kada araw, depende sa kanyang mood. “May days na sobrang pumped up ako, I feel so productive, tapos may days naman na I’m kinda sad. I learned na you also don’t have to be too hard on yourself with the illusion na kailangan mong maging sobrang productive,” kuwento niya.
Gayunman, pinananatili pa rin niyang busy ang sarili sa mga gawaing-bahay at pakikipag-communicate sa mga pamilya at kaibigan. “It’s different everyday pero for sure I do a lot of chores. Dishes, laundry, linis-bahay, so everyday is different for me. Mayroon akong laundry day, mayroon akong linis day. I also talk to my family and my friends a lot. I watch a lot of Netflix,” dagdag pa niya.
Samantala, nanawagan ng tulong si Janine para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Ambo sa San Policarpio Samar, nitong Lunes, Mayo 18. Ipinost ng National Youth Ambassador ang post ng charity organization na Sirak SanPoli sa kanyang Instagram Story kasabay ng paghingi rin ng tulong para sa mga apektadong residente.
“Help the relief operations for the victims of Typhoon Ambo in San Policarpio, Samar,” aniya.
Bisitahin ang official site ng GMA Kapuso Foundation para alamin ang iba’t ibang paraan kung paano makatutulong at makapagbibigay ng donasyon.
RATED R
ni Rommel Gonzales