Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA naghain ng diplomatic protests vs China (Sa pagtutok sa barko ng Navy)

NAGHAIN ng diplomatic protests ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa pagtututok ng gun control director sa barko ng Philippine Navy at pagdedeklara sa teritoryo ng Filipinas na bahagi ng Hainan province.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr., ang hakbang ng China ay malinaw na paglabag sa International Law at sa soberanya ng bansa.

Sa tweet ni Locsin, sinabi niyang inihain ang dalawang diplomatic protest sa Chinese Embassy sa Maynila nitong Miyerkoles, pasado 5:00 pm.

Dagdag sa tweet ni Locsin, “@DFAPHLWE worked on this the whole day. And that is all that will be said on it because diplomatic notes are strictly confidential between the two states parties. Period.”

Inaasahan din umano ng Kalihim na wala nang magkokomento sa gobyerno tungkol dito dahil wala silang kakayahan at tanging si Pangulong Rodrigo Duterte ang maaaring maghayag nito.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …